Calendar

Chairman Barbers sa Vloggers: Puwede kaming batikusin 24/7, basta hindi fake news
NILINAW ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers noong Martes na ang imbestigasyon ng House tri-committee ay hindi naglalayong supilin ang kalayaan sa pagpapahayag kundi matugunan ang pagkalat ng mga maling impormasyon sa mga social media platform.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng tri-comm mula sa privilege speech ni Barbers noong Disyembre 16 at sa resolusyon ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
“I would like to reiterate that the objective of the hearings the Tri Comm is conducting is not to suppress freedom of expression or freedom of speech,” ayon kay Barbers sa panel ng tatlong komite, na pansamantalang pinamunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop bilang kinatawan ni Chairman Dan Fernandez ng Laguna.
“Alam nating lahat na nakasaad ito sa ating Konstitusyon at nais naming igalang ang karapatan ng bawat isa sa kanilang opinyon at pagpapahayag. Sa kabila ng iniisip ng iba, hindi ito paraan upang supilin ang kanilang mga opinyon sa mga isyu, maging ito man ay politikal, pang-ekonomiya o iba pang pananaw,” dagdag pa ni Barbers, ang lead chairman ng House quad committee at chairman ng House committee on dangerous drugs.
Ayon pa kay Barbers, nais nilang magtakda ng mga alituntunin o best practices sa pagpapalaganap ng impormasyon sa social media.
“It’s just a way perhaps of adopting the best practices of other countries in relation to the use of social media platforms,” ani Barbers.
“Our goal, as members of the 19th Congress, is to establish a set of rules, conscious of course of the constitutional right to freedom of expression. Ipinaglalaban ko lang ang isang polisiya o framework na hindi gagamitin ang social media platforms para magkalat ng fake news, disinformation, misinformation o mal-information,” giit pa ni Barbers.
Sinabi rin ni Barbers sa mga vlogger na “who have been hitting members of Congress” na hindi nila ito ikinababahala.
“In fact, we don’t mind even if you do that 24 hours, seven days a week, 365 days a year, that’s all right. But please be careful with what you post online, because if these are found to be fake, lies, or falsehoods, then there are laws that can be used to penalize those who abuse freedom of expression,” dagdag pa nito.
Binanggit din ni Barbers na may mga batas na naglalagay ng hangganan sa kalayaan ng pagpapahayag.
“Kaya po tayo may mga batas, at ipinaaalala ko sa kanila na ang karapatang ito, bagamat nakasaad sa ating Konstitusyon, ay hindi isang ganap na karapatan,” paalala niya.
“So para lang po malinaw, ilalagay natin sa konteksto kung ano ang nais nating makamtan sa pagdinig na ito,” dagdag pa ni Barbers.
Sa bahagi naman ni Acop, kaugnay ng petisyon para sa certiorari na inihain ng ilang vlogger sa Korte Suprema, sinabi niyang, “I wish to stress the objectives of the inquiry as stated in the aforementioned resolution (of Senior Deputy Speaker Gonzales).”
“The inquiry aims to ensure that all proposed legislative measures align with the constitutional guarantees of freedom of speech and expression and prevent any undue censorship,” dagdag pa ni Acop.
Ayon kay Acop, layunin ng imbestigasyon na tuklasin ang mga kakulangan sa mga batas at repasuhin ang mga umiiral na batas, lalo na ang Republic Act (RA) 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012; palakasin ang mga mekanismo ng transparency at accountability ng mga social media platform; at magmungkahi ng mga hakbang upang tugunan ang mga cybercrime.
Dagdag pa ni Acop, layunin din nitong protektahan ang digital safety at public trust sa pamamagitan ng mga public awareness campaigns; at makipag-ugnayan sa mga pangunahing stakeholders tulad ng mga kinatawan mula sa mga social media organizations, cybersecurity experts, mga civil society groups at constitutionalists upang matiyak ang balanseng pamamaraan sa paglaban sa mapanirang nilalaman.
Ipinabatid din niya sa mga kasamahan sa Kamara na nais ng tri-comm na pakinggan ang mungkahi ng social media platform na Google ukol sa pagtatag ng framework para sa mga content creator, at ang posisyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa “doctrine of the duality of crime.”
Sinabi ni Acop na ang panel, “shall also endeavor to further discuss the concept of cyber-libel as a continuing crime.”
Nagpasalamat din si Acop sa mga kasamahan sa Kamara at ilang mga resource persons sa kanilang pagdalo at partisipasyon sa pagdinig.