Chairmanship sa mga komite sa Senado ipinamahagi

195 Views

IBA’T IBANG komite ang ipinamahagi sa mga senador ng Mataas na Kapulungan kung saan inilahad din ang planong pagkakaroon ng planong isagawa sa lalong madaling panahon ang Legislative-Executive Development Advisory Council or LEDAC upang maayos silang makapag ugnayan sa Pangulong Ferdinand Marcos kaugnay ng mga batas na na vetoe ng Punong Ehekutibo

Apat na matitinding komite ang hahawakan ni Sen. Imee Marcos kung saan ay dalawa rito ang kanyang pamumunuan partikular ang

Electoral reforms and people’s participation, gayundin and Cooperatives. Bukod pa rito ang dalawang nauna ng komite na kanyang pinamumunuan ang– foreign relations at ang social justice — na nasa ilalim niya mula pa nuong 18th Congress.

Si Senado Mark Villar at Robin Padilla ay siyang hahawak naman bilang Chairman ng Senate committees on banks and public information. Si Villar din ang siyang naatasan na maging Chairman ng Komite sa trade panel, Samantalang si Sen. Robinhood Padilla ang siyang napisil bilang Chairman ng Komite on Constitutional amendments and revision of codes.

Si Senator Grace Poe naman ang siyang hahawak ng Komite sa economic affairs, samantalang si Senator JV Ejercito ang siyang hahawak sa committee on urban planning, housing, and resettlement.

Bukod pa sa Economic Affairs ni Poe, hahawakan din niya ng public services panel bilang chairman.

Limang Senador ang mananatili sa kanilang dating komite na pinamunuan nuon pang 18th Congress gaya nina Cynthia Villar, Nancy Binay, Sonny Angara, Christopher “Bong” Go, at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Si Cynthia Villar ay mananatiling Chairman ng Environment committee, Samantalang si Sen. Binay naman ang hahawak ng Turismo at si Angara ay mananatiling Chairman ng youth panel.

Si Senator Bong Go ay siya pa rin komite Chairman sa Sports samantalang si Sen. Revilla pa rin ang hahawak ng committee on civil service, government reorganization, and professional regulation.

Bukod pa sa kanyang environment panel, si Sen. Cynthia Villar din ang mananatiling may hawak ng committee on agriculture, food, and agrarian reform, samantalang si Binay ang napiling humawak ng Committee on Accounts, si Go bilang chair ng Health panel at chairman namn si Angara ng finance. Si Revilla pa rin ang siyang Chairman ng Komite sa public works na dati niya ng pinamumunuan.

Samantala, inamin naman ni Majority Floor Leader Joel Villanueva na magsasagawa na ng LEDAC kung saan ay haharap ang mga mambabatas sa Pangulo upang pag usapan ang mga importante panukala at batas na dapat bigyan ng masusing pagsasaayos.

“Welcome na development po ang bagay na ito lalo pa’t ilan mga panukala ang na veto ng Pangulong Marcos jr., dahil na rin sa kulang ng tamang paliwanag at komunikasyon ang ating mga mambabatas,” ani Sen. Francis Chiz Escudero.

Sinang ayunan naman ito ni Villanueva at tiniyak na nakahanda silang mga mambabatas upang pakinggan ang mga dapat bigyan priyoridad ng Kongreso ayon sa sasabihin ng Pangulong Marcos jr.

Para naman sa pinuno ng Senado na si Senate President Juan Miguel Zubiri, handang handa na ang Senado sa nakatakdang LEDAC kung saan ay nanawagan din siya sa mga kasamahan na bigyan ng importansya ang panukalang ninanais nilang maipasa upang mailahad ito ng klaro sa gagawin nilang pakikipag pulong sa pangulo.