Charo muntik masibak sa ABS-CBN dahil kay Dolphy

Vinia Vivar Mar 27, 2025
34 Views

Sa kanyang ‘storytime’ video sa Instagram ay nag-flashback ang ABS-CBN boss na si Charo Santos kung paano siya muntik matanggal sa Kapamilya network dahil sa King of Comedy na si Dolphy (RIP).

“Storytime: How I almost got fired because of Dolphy,” caption award-winning actress sa kanyang video.

Simulang kwento ni Charo sa video, “It was back in the 1990s kababalik lang ni Mang Dolphy from the US. He called me up at sabi niya, ‘Charo, gusto ko bumalik sa telebisyon.’”

Pagbabahagi pa ng aktres, “Bata pa po ako, pinapanood ko ang lahat ng mga TV shows (ni Dolphy), from ‘Buhay Artista’ to ‘John & Marsha,’ talagang sinubaybayan ko yan. I also became his leading lady in the movie in ‘My Juan en Only.’

Kaya naman sinabi raw niya agad sa kanyang boss sa ABS-CBN ang ideya na kunin si Dolphy.

“I went to my boss, ‘Sir! Ibalik natin si Mang Dolphy sa TV,’” kwento niya.

Sagot daw ng boss niya, “Ano ka ba? Hindi ka ba nag-iisip? Tatlong taon nang wala yan, nakalimutan na yan ng tao.”

Sey naman daw niya, “Sir, hindi. As far as I’m concerned, he’s the King of Comedy.”

Sabi ng kausap niya, “Malaking risk yan, eh kung hindi mag-rate yan?”

Dito raw siya nagbitiw ng linyang “Sir, pag hindi nag-rate ang programa ni Dolphy, you can fire me.”

Kwento ni Charo, “Parang natulala ako. Sabi ko, ‘Bakit ko nasabi yun?’ Wala nang urungan ‘to. I got the best team and gathered the right casting combination. Pag ang boss ko raw, hindi natawa in five minutes, umuwi na raw ako, mag-resign na. Sa awa ng Diyos, in the first five minutes, nadinig namin yung halakhak ng aming top boss.”

Kaya naman umuwi siyang alam niya na may trabaho pa rin siya kinabukasan.

Pagre-recall pa ni Charo, “Sa pilot episode pa lang po ng ‘Home Along Da Riles,’ it became the number one program on primetime of ABS-CBN and it remained number one for the next seventeen years.”