Charo

Charo, pinarangalan ng lifetime achievement award

275 Views

Wagi ang ABS-CBN ng labing-isang parangal, kabilang na ang Media Company of the Year para sa ika-anim na taon, sa Golden Laurel: The Batangas Province Media Awards 2023 na ginanap sa Lyceum of the Philippines University-Batangas kamakailan.

Binigyan ang host/aktres na si Charo Santos-Concio ng prestihiyosong Sotero H. Laurel Lifetime Achievement Award para sa kanyang mga kontribusyon sa industriya ng entertainment habang nag-uwi naman ng Meritissimus Award for Drama Anthology ang “Maalaala Mo Kaya.”.

“It has been an honor and privilege for me to serve the Filipino audience since my early days as actress in ‘Itim,’ as host of the longest-running drama anthology, ‘MMK,’ as president and CEO of ABS-CBN, and now as Tindeng in ‘Batang Quiapo’ on weeknights. Your loving support has been a source of strength and motivation for me to keep doing what I have been doing throughout the years,” ani Charo.

Kinilala ang noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime” bilang Best Variety Show, habang wagi naman ang advocacy-driven legal drama anthology na “Ipaglaban Mo!” ng Best Documentary Show award.

Binigyan din ng parangal sina Joshua Garcia (Best Drama Actor), Esnyr Ranollo (Most Outstanding Content Creator) at Princess Kathryn “Kulot” Caponpon (Breakthrough Batangueño Social Media Child Personality).

Samantala, nanalo ang flagship program ng ABS-CBN News na “TV Patrol” ng Best News Program award habang ang anchor nitong si Bernadette Sembrano-Aguinaldo naman ang tinanghal na Female News Anchor of the Year. Pinarangalan din ang website ng kumpanya na news.abs-cbn.com ng Online News Website of the Year award.

“Patuloy naming itataguyod ang katotohanan sa abot ng aming makakaya. Sana sundan niyo kami saan man kami mapanood, digital o TV. Huwag niyo kaming iiwan dahil mahal na mahal namin kayo,” sabi ni Bernadette. Ni Mercy Lejarde