Calendar
Chess simul nina IM Young, IM Datu isusulong ng ERJHS
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-73rd
Foundation Day at Grand Alumni Homecoming ng E. Rodriguez Jr. High School sa Feb. 22-23, isusulong ng ERJHS Alumni Sports Club ang “Learn & Play Chess 2” kasama sina International
Masters Angelo Young at Idelfonso Datu at FIDE Instructor Chiara Reina Lim-Datu.
Ang naturang chess simul ay nakatakda sa Sunday, Feb. 23 sa Audio-Visual Room.
Si Young ay isa din sa mga nominees para sa 10 “Most Outstanding Alumni” ng ERJHS dahik sa kantang tagumpay bilang international chess master
Si Young, na nagtapos nung 1980, ay una nang napili bilang niyembro.ng ERJHS Sports Hall of Fame in 2016.
Samantala, si Datu ay isa din sa mga pangunahing IM at chess instructor. Nagsilbi din siyang bilang program director ng chess sa Ateneo de Manila ng mahigit 20 years.
Ang kanyang maybahay na si Chiara ay isang licensed FIDE instructor at kasalukutang president ng Sudeco Polytechnic Integrated College.
Inihayag ni ERJHS Alumni Sports Club president Ed Andaya ng Batch 81 na ang top 25 players sa seven-round elimination tournament na nakatakda sa Feb. 21 ay bibigyan ng pagkakataon ns lumaro sa 40-board simultaneous exhibition matches sa Feb. 23.
Makaiasama nila ang piling 15 select alumni-participants.
Inaasahang dadaluhan ang chess simul nina ERJHS Alumni Association president Ramon Ferreros nf Batch 73 at ERJHS principal Ernest Ferrer.
Ang “Learn and Play Chess” ang ika- fourth installment ng malawakang chess program na isinusulong ng ERJHS Alumni Sports Club paraxsa mga estudysnte.
Una dito, naidaos na ang first “Isulong Mo with GM Eugene Torre” kasama ang Meralco Chess Club sa Barangay N. S. Amoranto nung Feb. 22, 2018; ang second “Isulong Mo with GM Eugene
Torre at IM Angelo Young” simul chess matches sa ERJHS nung May 22, 2023; at ang first first “Learn and Play Chess” with IM Datu at FA Rudy Ibanez nung June 30, 2023.