Calendar

Child sexual abuse laganap online–Sen. Risa
HINAMON ni Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros ang mga telcos kaugnay ng patuloy na pagkalat ng online na materyales ng seksuwal na pang-aabuso sa mga bata.
Kinuwestiyon ng senador kung epektibo nga ba ang ginagawa ng industriya para gampanan ang kanilang mga legal na obligasyon sa ilalim ng 2022 Anti-OSAEC and CSAEM Act.
Ang batas nagtatakda ng mga tungkulin para sa mga tinaguriang “internet intermediaries” gaya ng internet service providers, web hosting platforms, search engines, payment processors at social media platforms.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Hontiveros na kulang sa pagpapatupad ang mga ito.
“Patuloy ang pag-advertise at pagkalat ng CSAEM,” ani Hontiveros.
Nagpakita siya ng mga halimbawa mula sa Facebook, Twitter at Telegram na nagpapakitang aktibo pa rin ang pagpapalaganap ng mga content na ito online.
“Ito po mga kasama ay mga sample na nakita namin at napaka-walang hiyang ginagawa.”
Bagama’t pinuri niya ang mabilis na pag-aksyon ng Meta sa pagpreserba ng ebidensya, iginiit niyang nakakabahala na madaling lumilitaw ang ganitong uri ng content sa simpleng paghahanap online.
“In a simple Google search, this content also came up,” sabu ng senador.
Tinukoy din ni Hontiveros ang pag-usbong ng bagong teknolohiya gaya ng “undress AI” na ginagamit para manipulahin ang mga larawan ng mga bata at gawing sekswal.
Binalaan niya na ito’y nagluluwal ng isang subscription-based na black market para sa mga AI-generated na child abuse content.
“To our private sector partners… hindi naman kayo kalaban,” aniya, habang hinihimok ang Google na dumalo nang kusa sa susunod na pagdinig.
Binigyang-diin ng senadora na dapat tiyakin ng mga kumpanya ng teknolohiya ang proteksyon ng mga inosenteng bata sa loob ng kasalukuyang digital na sistema.