Romero1

“Child stunting summit” vs malnutrition inilunsad

Mar Rodriguez Jul 25, 2023
199 Views

DAHIL malalang problema ng malnutrition. Ilulunsad ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang “child stunting summit”.

Ipinaliwanag ni Congressman Romero na ang “child stunting” ay pumapatungkol sa pagka-bansot ng isang bata na alangan o hindi normal sa kaniyang edad. Kung saan, sinabi ng mambabatas na ito’y bunsod ng lumalalang problema ng malnutrition sa Pilipinas na kinakailangan matugunan o ma-address.

Dahil dito, sinabi pa ni Romero na layunin ng Committee on Poverty Alleviation na mahanapan ng solusyon sa lalong madaling panahon ang tinawag nitong “interconnected problems” na kinabibilangan ng kagutuman (hunger) at kahirapan (poverty) sa pamamagitan ng paglalatag ng mga solusyon.

“We want to address these interconnected problems, along with hunger and poverty and recommend solutions. We intend to give them top priority,” sabi ni Romero.

Binigyang diin ng kongresista na ang sapat na malnutrition o proper malnutrition ng isang bata ay mayroong malaking epekto at impact sa paglaki ng mga bata kabilang na rin dito ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan.

Idinagdag pa ni Romero na kung napakaraming kabataan ang malnourished. Nangangahulugan din ito aniya na kinakailangan ng mas malaking budgetary appropriations para sa healthcare ant health facilities. Kasama na dito ang budget para sa edukasyon ng mga out-of-school youth.

“We want to come up with a holistic approach to solving malnutrition and child development stunting and of course to poverty which is underlying problem. If we have a large number of malnourished children that would require a bigger budgetary appropriation for healthcare and health facilities,” ayon pa kay Romero.