Calendar
Chinese national, ka-live in tiklo sa P15M na shabu
MAHIGIT P15 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga pulis sa isang Chinese national at ka live-in niyang Pinay sa buy-bust noong Lunes sa Navotas City.
Natiklo ang dalawa nang magkasa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) laban kina alyas William, 40, at kinakasamang si alyas Rose, 28.
Pumayag magbenta ang dalawa ng P120,000 na halaga ng shabu.
Bago ang pagkakaaresto sa mga suspek, nakatanggap na ng impormasyon si SDEU chief P/Capt, Luis Rufo mula sa isang impormante hinggil sa malakihang pagbebenta ng shabu ni alyas William kaya’t nang magpoitibo ang impormasyon, sinimulan na nilang makipag-negosasyon sa dayuhan.
Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang 2,226.6 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P15,140,880, markadong genuine P1,000 bill at 117 ng P1,000 boodle money na ginamit sa buy-bust, cellphone, digital weighing scale at itim na Honda Jazz.
Nagtungo sa lugar na kinaganapan ng operasyon si Navotas City Mayor John Rey Tiangco upang saksihan ang imbentaryo sa ilegal na droga at bigyang papuri si Col. Mario Cortes, ang hepe ng Navotas police.