FIBA

Chip balik-Pinas para sa FIBA World Cup

Robert Andaya Aug 11, 2023
351 Views

NATATANDAAN pa ba ninyo si Chip Engelland?

Si Engelland, na dating naglaro kasama ang mga PBA greats na sina Allan Caidic at Samboy Lim para Northern Consolidated basketball team nung 80s, ay muling magbabalik sa Pilipinas.

Sa kanyang muling pagdalaw, si Engelland ay magsisilbing miyembro ng coaching staff ng United States sa ilalim ni head coach Steve Kerr, ayon sa ulat ni basketball scholar Quinito Henson ng Philippine Star.

Tinawag na “Machine Gun” nung naglaro sya sa bansa bilang bahagi ng matagumpay na NCC program ng yumaong Amb Danding Cojuangco, si Engelland ay tutulong kay Kerr at mga kapwa assistant coaches Erik Spoelstra, Tyronn Lue at Mark Few sa kampanya ng Team USA sa FIBA World Cup 2023.

Si Engelland, na isang naturalized Filipino, ay kasamang darating ng Team USA sa Manila sa Aug. 22 , tatlong araw bago ang opening tipoff sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ito ang unang pagdalaw ni Engelland, na 62 years old na ngayon, sa bansa.

Huli siyang nandito nung 2007 bilang tugon sa paanyaya ni Amb. Cojuangco para sa isang reunion kasama si coach Jacobs at iba pang NCC players

Kabilang sa kanyang mga naging NCC sina Hector Calma, Allan Caidic, Samboy Lim, Hectir Calma, Jerry Codiñera, Yves Dignadice at Franz at Dindo Pumaren.

Sa darating na FIBA World Cup 2023, inaasahang ibabahagi ni Engelland ang kanyang shooting touch sa 12 American players, na unang sasabak sa World Cup.

Unang haharapin ng mga Amerikano sa group phase ang New Zealand sa Aug. 26, kasunod ang Greece sa Aug.28 at Jordan sa Aug. 30.

Lahat ng mga laro ay nakatakda simula 8:40 p.m. sa SM MOA Arena sa Pasay City.

Pasisiglahin ang American campaign nina reigning NBA Rookie of the Year Paolo Banchero (Orlando Magic), Mikal Bridges (Brooklyn Nets), Jalen Brunson (New York Knicks), Anthony Edwards

(Minnesota Timberwolves), Tyrese Haliburton (Indiana Pacers), Josh Hart (New York Knicks), Brandon Ingram (New Orleans Pelicans), Jaren Jackson Jr. (Memphis Grizzlies), Cam Johnson

(Brooklyn Nets), Walker Kessler (Utah Jazz), Bobby Portis (Milwaukee Bucks) at Austin Reaves (Los Angeles Lakers).