SUV Source: FB

Chiz: Paggamit ng pasaway na SUV ng ‘7’ protocol plate di dapat ipagwalang-bahala

13 Views

HINDI katanggap-tanggap.

Ito ang naging matinding tugon ni Senate President Francis Chiz Escudero sa kontrobersyal na insidente kung saan isang Cadillac Escalade SUV na may Senate protocol plate na “7” ang naharang dahil sa paggamit ng restricted lane na tanging para lamang sa mga awtorisadong sasakyan, isang paglabag sa mga regulasyon sa trapiko.

Ayon sa mga ulat, ginamit umano ng driver ang espesyal na protocol plate upang iwasan ang karaniwang mga batas-trapiko, na nagdulot ng malawakang atensyon.

Iginiit ni Escudero ang pangangailangan na matukoy kung sino ang dapat managot dahil sa gamit nito ang no. 7 na plate number na hindi maaaring ipagwalang bahala lamang..

“The driver violated the law. The actions of the driver and passenger are completely unacceptable.” ayon kay Escudero.

Kanyang idiniin ang pangangailangan ng pananagutan, kung saan ay hinihikayat din ni Escudero ang Land Transportation Office (LTO) na agad tukuyin ang may-ari at driver ng sasakyan at ipagbigay-alam ito sa Senado.

“I urge the LTO to identify the owner-user of the vehicle and to inform the Senate as soon as possible,” sabi ni Escudero.

“If indeed the owner is a member of the Senate, I expect him or her to come forward and ensure that the person driving the vehicle responsibly faces the consequences of their actions. As soon as they know and learn of the incident, they should surrender and present themselves to the authorities accordingly.” ayon pa sa Senador.

Pinuri rin ni Escudero ang pagiging propesyonal ng mga miyembro ng Secretariat na sina Barnachea at Reyno, na nakasangkot sa sitwasyon.

“I commend Secretariat Barnachea and Reyno for keeping their composure and remaining courteous, even given the circumstances they encountered,” dagdag pa niya.

Nangako ang LTO ng mabilisang imbestigasyon, na may mga karagdagang aksyon na inaasahan sa oras na matukoy nang buo ang may-ari o driver ng sasakyan.

Ayon kay Escudero, ang insidenteng ito ay isang paalala na ang lahat ng mamamayan, kabilang ang mga opisyal ng gobyerno at ang kanilang mga kasama, ay inaasahang susunod sa mga regulasyon sa trapiko, para sa katarungan at paggalang sa batas sa mga kalsada ng bansa. ///ps jun m. sarmiento