Christian Larawan mula sa IG/@christiaaan06

Christian Bables inaming ‘di naging kasundo stepdad

114 Views

IBINAHAGI ng award-winning actor na si Christian Bables ang naging buhay niya noon kasama ang kanyang stepdad.

Sa panayam kasama ng TV host-actor na si Luis Manzano, napag-usapan nila ni Christian ang kalagayan ng pamilya ng aktor noong hindi pa nagsisimula sa showbiz.

“Bakit mo nasabi na before, hindi ka nabiyayaan ng isang happy home?” saad ni Luis kay Christian.

“Kasi siguro before, kami ng stepdad ko ‘di kami magkasundo. Struggle talaga para sa’min kuya Lu ‘yung dumaan ang isang araw na maging happy lang,” pahayag naman ng aktor.

“Before nung nag-aaral ako, ang inner monologue ko lagi, ‘Gusto ko na maka-graduate, gusto ko na magkaroon ng trabaho, gusto ko na makaalis dito, gusto ko nang bumukod.’ Nung nabigay naman ni God ‘yung mga pangarap ko, ito nga, maging isang actor, unti-unti namang nag-fall into place ‘yung mga bagay-bagay. Naging okay kami ng stepdad ko,” pagpapatuloy pa ni Christian.

Pangarap pa rin daw ng aktor na magkaroon ng sariling masayang tahanan.

“Though hindi nawala ‘yung dream ko to build a happy home. Iba ‘yung ako ‘yung gumawa no’n eh. Hindi pwedeng malungkot sa bahay na ‘to! Iyon lang yung kaisa-isang rule, kung pwede kong i-impose, ii-impose ko. Gusto ko happy lang,” wika ni Christian.

“Kung pwede mong ipaskil sa labas ng bahay mo, ‘Papasok ka dito at lalabas na nakangiti,’” aniya pa.