CIBAC Party List sa Kongreso inihayag na nakatakda ng isalang para sa isang Penary Debate ang Magna Carta on Religious Freedom Act

Mar Rodriguez Nov 30, 2022
117 Views

INIHAYAG ngayon ng Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) Party List Group na nakatakda ng isalang para sa isang Plenary debate sa Kongreso ang kanilang panukalang batas o ang Magna Carta on Religious Freedom Act matapos itong aprubahan sa Committee Level.

Isinulong ni CIBAC Party List Cong. Eduardo “Bro. Eddie” C. Villanueva ang House Bill No. 2213 sa Kamara de Representantes na naglalayong protektahan at pangalagaan ang kalayaan at karapatan ng bawat mamamayan alinsunod sa kaniyang paninindigan at paniniwala.

Sinabi ni Bro. Eddie Villanueva na pumasa na sa House Committee on Human Rights ang kaniyang panukalang batas (HB No. 2213) noong nakaraang Martes (Nobyembre 29) kung kaya’t inaasahang maisasalang na ito para sa isasagawang Plenary debate.

Ipinaliwanag pa ni Bro. Eddie na layunin din ng kaniyang panukala na mapangalagaan o protektahan ang karapatan ng bawat Pilipino ayon sa kaniyang paniniwalang pang-relihiyon at paninindigan. Kung saan, binibigyan ng kalayaan ang isang tao batay sa kaniyang pinaniniwalaan.

“Will this bill, Filipinos will be encouraged to spiritual growth by affording them the freedom to conduct their lives in accordance with their faith or religious belief without the fear of persecution, threat or punishment,” sabi ni Bro. Eddie.

Binigyang diin pa ni Bro. Eddie na layunin din ng HB No. 2213 na isulong at pangalagaan ang kalayaan ng sinomang indibiduwal na maipalaganap ang kaniyang religious ideas sa bansa nang walang balakid, pananakot suppression at harassment mula sa ibang sekta.

“Moreover, this also aims to promote a free market of religious ideas in the country where no religión is suppressed or quelled over the other. By levelling the playing field for the propagation of different religions. Filipinos are afforded the full spectrum of varying faiths and the freedom to choose to which they will subscribe,” dagdag pa ng kongresista.