Calendar
Clarkson papalitan ni Brownlee sa Gilas
MAGANDANG balita para sa mga Filipino basketball fans, lalo sa Barangay Ginebra.
Inaasahang makakalaro ang two-time PBA Best Import na si Justin Brownlee ng Barangay Ginebra para sa Gilas Pilipinas sa sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Manila sa February
Naniniwala si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na maigagawad kay Brownlee ang inaasam na Philippine naturalization bago pa man ang sixth window sa Manila sa Feb. 24-27.
“We’re working on Brownlee. Hopefully, we can bring him in for the sixth window. I know it’s a bit tight, but we’re getting support from the Senate and Congress. There’s just a few documents we have to submit,” pahayag ni Panlilio.
“February will be a big window for us. We’re hosting it and at the same time, it’s against Jordan and Lebanon. That’s quite an interesting two games for us. So we expect a big turnout for these two home games,” dugtong pa ni Panlilio.
Sinabi ng SBP head na ang dalawang laro sa Manila ang magsisilbing huling qualifiers bago pa sumabak ang Gilàs sa three-month non-stop training bago ang big event ng FIBA.
Inaasahang pupunan ni Brownlee, na nanguna sa Ginebra para sa limang PBA titles bilang mport mula 2016 hsnggang 2021, ang pwesto ni NBA Utah Jazz star Jordan Clarkson sa gagawing pakikipagtuos ng Gilas laban sa Lebanon sa Feb. 24 at Jordan sa Feb. 27 para sa sixth window.
Hindi muna makakalaro Clarkson para sa Gilas laban sa Lebanon, na isang sumisibol na powerhouse sa Asian region
Naglaro si Clarkson dati pero natalo ang Pilipinas sa Lebanon, 81-85, sa fourth window nun Aug. 25 sa Beirut .
Tinalo naman ng Pilipinas ang Jordan, 74-66, sa kanilang pagdayon sa Amman kamaikailan, at ang Saudi Arabia, 76-63, sa Jeddah nitong Lunes ng umaga lamang para ma-kumpeto ang two-game sweep sa fifth window
Winalis na din ng mga Pilipino ang Saudi, 84-46, sa una nilang pagtutuos na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.
Ang mga iskor:
Philippines (76) – Ramos 13, Pogoy 13, Sotto 11, Perez 10, Thompson 9, Parks 8, Aguilar 6, Kouame 5, Malonzo 1, Oftana 0, Erram 0, Quiambao 0.
Saudi Arabia (63) – Ma. Almarwani 19, Abdel Gabar 16, Mo. Almarwani 8, Kadi 6, Aljohar 5, Ashoor 4, Shubayli 2, Mohammed 2, Belal 1, Saleh 0, Almuwallad 0, Albargawi 0.
Quarterscores: 16-16, 31-25, 55-45, 76-63.