COA

COA IV-A pinangunahan entrance confab sa Batangas

17 Views

BATANGAS–Naganap ang entrance conference noong Lunes na pinangasiwaan ng Commission on Audit (COA) Regional Office No. IV-A para sa financial audit ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas para sa 2024.

Ang naturang aktibidad nagbigay-daan upang malaman at mailahad ang ilang mga gabay sa alituntunin at mga kinakailangang standard requirements na pinalaganap ng COA pagdating sa auditing process.

Layunin nito na makabuo ng kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan ng mga magsisilbing auditors at mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan para sa isang maayos na pagsusuri sa mga identified audit thrust areas na itinakda ng komisyon.

Ang proseso inaasahan na magpapalakas at magpapanatili ng transparency at accountability sa pamamahala ng pondo ng lalawigan.

Pinangunahan ang entrance conference ni COA IV-A Supervising Auditor Sylvia Espiritu at Audit Team Leader Rhiza Cerrado kasama ang iba pang mga miyembro ng audit team ng COA.

Dumalo sina Gov. Hermilando Mandanas, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Chief of Staff at Provincial Information Officer Maria Isabel Bejasa at mga department heads ng kapitolyo.