Coco

Coco Martin, Lito Lapid magmomotorcade sa Cavite Abril 10

39 Views

MATAPOS ang pagkamatay ni Supremo aka “Primo” sa Batang Quiapo noong February 10, muling magsasama sina Senador Lito Lapid at Direk Coco Martin aka “Tanggol” sa kampanya serye sa Cavite sa Huwebes, April 10.

Sinabi ni Lapid na itinuturing na nyang anak si Coco dahil sa higit sampung taon silang magkasama sa mga teleserye at mga pelikula, kabilang na ang FPJ’s Ang Probinsyano at Apag.

Ayon kay Lapid, mabait at matulungin si Coco na kanyang nagustuhan sa aktor at direktor ng BQ.

Nauna na ng nakiusap ang primyadong actor at direktor sa mga Batagueño na iboto si Senador Lito Lapid(#35) sa nalalapit na 2025 elections sa May 12.

Sa kanyang mensahe sa proclamation rally ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa Malvar, Batangas, hiniling ni Coco na iboto ng mga Batangueño si Lapid, ang Supremo sa Batang Quiapo.

“Gusto ko rin po sanang ihiling sa inyo ang isa sa aking nirerespeto, mahal na kaibigan na itinuturing ko ring ama, hindi ako mapapalapit sa taong ito kung hindi ko nakita sa kanya ang kabutihan, kababaang-loob, pagkilos at pagiging tapat, sana po ay suportahan din natin si Sen. Lito Lapid, number 35 sa balota.”

Nagpasalamat naman si Lapid sa endorsement ni Coco at pamilya ni Senador Grace Poe.

Sinabi ni Sen. Lapid na hindi nya malilimutan ang malaking naitulong ni Fernando Poe Jr. sa kanilang pamilya dahil ang kanyang ama na si Jose Lapid ay naging stuntman noon ni da King.

“Walang Lapid sa pelikula kung walang FPJ. Noong ako po’s nagsimula maging bida sa pelikula, sinuportahan po ako ni FPJ. Nagbida po ako noon sa Jess Lapid story. Wala po si Jess Lapid Sr. kung walang FPJ. Kaya po wala rin sa pulitika si Lito Lapid na nasa harap nyo ngayon kung walang FPJ,” ayon kay Lapid

Si Jess Lapid Sr. ay tiyuhin ni Lito Lapid.

Nagka-tambal sina FPJ at Lapid sa pelikulang kalibre .45 noong 1980, kasama ang namayapang si Eddie Gardia.

Matatandaang si Lapid ang awtor ng Eddie Garcia law na nagbibigay proteksyon, pantay na karapatan at mga benepisyo sa lahat ng mga manggagawa sa showbiz at media industry.