Calendar

Nation
Comelec: 1M bagong botante nakapagrehistro
Peoples Taliba Editor
Jan 17, 2023
218
Views
MAHIGIT 1 milyong bagong botante ang nakapagparehistro para makaboto sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktobre.
Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na madaragdagan pa ito habang papalapit ang deadline ng pagpapatala.
Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco hindi kasali sa 1,024,521 bagong botante ang 3,992 na nagpatala sa Register Anywhere Project.
Target ng Comelec na makapagrehistro ng 1.5 hanggang 2 milyong bagong botante sa pagbubukas ng voter registration mula Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023.