Calendar
Comelec aprub election ban exemption ng DSWD
Sa pamimigay ng ayuda sa rice retailers
INAPRUBAHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng exemption sa election ban ang pamimigay ng ayuda sa mga rice retailer.
Sa isang memorandum, sinabi ni Comelec chairperson Erwin Garcia na pinayagan ng ahensya na ipagpatuloy ng DSWD ang pamimigay nito ng ayuda sa mga naapektuhan ng ipinatutupad na price cap sa panahon ng election ban kaugnay ng nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Sinabi naman ni Garcia na hindi dapat gamitin ang pamimigay ng ayuda upang mayroong mapaborang kandidato.
Noong Setyembre 6 ay sumulat si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa Comelec para mag-request ng exemption.
Nagkakahalaga ng P15,000 ang ibinigay ng DSWD sa mga maliliit na rice retailer na naapektuhan ng price ceiling sa bigas.