Calendar
Comelec binusisi ng tungkol sa kontrata ng S. Korea na kompanya
NALAGAY sa “hot water” ang Commission on Elections (Comelec) matapos busisiin ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang naging desisyon ng “poll body” na ibigay o i-award sa South Korean Company na Miru System ang “automation contract” para sa darating na 2025 mid-term elections.
Nagpahayag ng pagkabahala si KABATAAN Party List Congressman Raoul Danniel A. Manuel patungkol sa tinatawag na “involvement” ng Miru System para sa darating na 2025 mid-term elections. Bunsod ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan umano ng nasabing kompanya sa mga nakalipas na halalan.
𝗦a panayam 𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲’𝘀 𝗧𝗮𝗹𝗶𝗯𝗮, sinabi ng kongresista na ikinababahala nito ang kinasangkutang “technical glitches” ng Miru System sa mga nagdaang eleksiyon na nilahukan nito. Kaya hindi aniya malayong ganito rin ang mangyari sa pagsapit ng 2025 mid-term elections.
“There really is a reason for worry. We hope Comelec commits to incorporating all the comments from the resource persons in its decision regarding the post-qualification process. The stakes are high. We cannot downplay these worries. Ang sa amin lang eh’ kailangan tayong maging maingat,” ayon kay Manuel.
Ipinunto naman ni dating Caloocan City Cong. Edgar “Egay” Erice, resource person ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na ang ginagamit na election machine ng Miru System ay isang “prototype” sa mga nilahukan nitong halalan sa iba’t-ibang bansa tulad sa Congo, sa Iraq at Korea.
Ipinabatid naman ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na ang ginagamit na election machine ng Miru System ay isang Optical Mark Reader (OMR) machine. Kung saan, ang combination aniya ng OMR at DRE machines ay hindi pa talaga nasubukan o na-testing sa anumang eleksiyon.
“This machine is a prototype. It has never been used in any elections. In Congo, they used a DRE machine. In Iraq and in Korea, they used an Optical Mark Reader (OMR) machine. And this combination of of OMR and DRE machines has never been tested in any elections,” sabi naman ni Valeriano.
Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na kapag ganito ang kinakaharap na problema ng Misu System posible umanong maharap din sa problema ang 2025 mid-term elections. Ganito rin ang ipinuinto ni Erice na nagsabing dapat suriin pa ng mabuti ng Kongreso ang kontrata ng nasabing kompanya.