Garcia

Comelec bubuksan voter registration sa Nobyembre

143 Views

MULING bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) sa Nobyembre ang pagpaparehistro ng mga nais na makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktobre 2023.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia ang voter registration ay isasagawa hanggang sa Mayo 2023.

Ang muling pagbubukas ng voters registration ay bunsod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa batas na nagpapaliban sa Barangay at SK elections na isasagawa sana sa Disyembre 2022.

Pinahinto naman ng Comelec ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa halalan.