Atty. Margaret Joyce M.-Reyes pinaliwanag ni Atty. Margaret Joyce M. Reyes, Assistant Regional Election Director ng Commission on Election IV-A, ang ilang sistema ng halalan sa kanilang presentation ng accomplishments at programa sa Kapihan sa Bagong Pilipinas sa Biñan City, Laguna. Kuha ni GIL AMAN

Comelec: Calabarzon may 9.7M botante, pinakamarami sa lahat ng rehiyon

Gil Aman Nov 9, 2024
63 Views

NANGUNGUNA ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (Calabarzon) sa may pinakamaraming rehistradong botante na 9.7 milyon sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, ayon kay Atty. Margaret Joyce Reyes, Assistant Regional Director Commission on Election IV-A.

Sinabi ito ng opisyal sa Kapihan sa Bagong Pilipinas meet sa Southwood Area Biñan City kamakailan.

Kasunod ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming rehistradong botante sa buong bansa, ayon sa opisyal.

Idinagdag ni Atty. Reyes na magkakaroon ng road show ang Comelec na pupunta sa mga barangay sa Calabarzon bago ang 2025 midterm election.