BBM2

Comelec hahayaan ni Marcos gawin ang trabaho pagdating sa Cha-cha

Chona Yu Jan 23, 2024
170 Views

HAHAYAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Commission on Elections na gawin ang trabaho nito na berepikahin ang pirma ng mga residente na pabor sa Charter Change sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Sinabi ni Pangulong Marcos na tiyak na hindi tatanggapin ng Comelec ang pirma kung may kaakibat na bayad.

“Well, pagka binayaran ‘yung signature, hindi tatanggapin ng Comelec ‘yun. So walang magandang mangyayari,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una nang naiulat na ginagamit ang pinansyal na ayuda ng Tulong Panghanap buhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment, Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development at medical assistance ng Department of Health kapalit ng pirma sa Cha-Cha.

Binalak ni Pangulong Marcos na itigil na muna sana ang pagbibigay ng ayuda para hindi makwestyun ang Cha-cha pero hindi rin naman itinuloy ang plano.