Garcia

Comelec hihingi ng pondo para madagdagan honoraria ng mga guro

19 Views

HIHILINGIN umano ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na magpasa ng supplemental budget upang mabigyan ng dagdag na honoraria ang mga guro na magsisilbi sa paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec chairman George Garcia walang inilaang pondo para madagdagan ang honorarium.

Ipinunto ni Garcia na mas mahirap ang BSKE dahil manu-mano ang bilangan ng boto hindi katulad kapag automated election.

Ang mga Electoral Board chairperson ay makatatanggap umano ng P6,000; ang Electoral Board member ay P5,000 at P4,000 naman ang mga precinct worker.