Garcia

Comelec naghahanda na para sa BSKE sa Disyembre

147 Views

SA kabila ng mga panukala na ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre, nagpapatuloy ang isinasagawang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia itutuloy ng ahensya ang pagbili ng mga election paraphernalia.

Sinabi ni Garcia na hindi maaari na dahil mayroong mga panukala na ipagpaliban ang halalan ay hindi na ito maghahanda.

Tiniyak naman ni Garcia na hindi masasayang ang magagastos na pondo kung sakali man na makapagpasa ng batas ang Kongreso para sa pagpapaliban ng halalan sa Disyembre.

Nagkakahalaga ng P8.4 bilyon ang gagastusin ng gobyerno sa BSKE.

“‘Wag po kayong mag-alala hanggang sa kasalukuyan yung P8.4 billion na nakalaan for barangay and SK elections intact. May nabawasan man, kapirasong kapiraso lang po dahil of course we are trying that particular budget, that money wisely dahil baka nga po hindi naman matuloy,” sabi ni Garcia.

Nasa P5 milyon na umano ang nagastos ng ahensya para sa voter registration kasama na ang bayad sa mga empleyado nito na kinailangang mag-overtime dahil sa pinalawig na operasyon bilang bahagi ng paghahanda sa BSKE.