Vic Reyes

Comm. Nepomuceno dapat bantayang mabuti weekly collection target

Vic Reyes Jul 11, 2025
70 Views

MAGANDANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng mundo.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Mama Aki ng Ihawan,Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang patuloy na nakaalalay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

God Bless!

***

Dapat bantayang mabuti ni bagong Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno ang weekly revenue collection ng lahat ng ports of entry sa bansa.

Kapag hindi nakuha ng isang port of entry ang kanyang weekly collection target ay kaagad na alamin ang dahilan. I-address kaagad ang problema para hindi na ito lumala pa.

Huwag natin kalimutan na kailangang-kailangan ng administrasyon ni Pangulong Marcos ng sapat na pondo para mai-implement ang kanyang mga programa at proyekto.

Kahit gaano kaganda ang isang programa ay walang mangyayari kung wala itong sapat na pondo.

***

Lahat ng mga letters of authority (LOAs) at Mission Orders (MOs) na hindi pa naise-serve ay sinuspindi.

Ito ang unang policy order na inilabas ni bagong Commissioner Ariel S. Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC).

Gusto ni Commissioner Nepomuceno na maayos at kumpleto ang mga kinakailangang dokumento bago i-implement ang mga LOAs at MOs. ng mga operatiba ng Intelligence and Enforcement Group.

Bilang bagong hepe ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Customs (DOF), ay kailangang ma-review niya ang mga papeles.

Nais ni Nepomuceno na naka-align ang mga ginagawang mga operatiba sa pangkahalatang misyon ng ahensya.

Tama nga naman si Comm. Ariel na parang mga miyembro ng orkestra kung magtrabaho ang mga opisyal at kawani ng BOC.

Kailangang palaging sumusunod sa kumpas ng konduktor.

Kung hindi ay baka maging sintonado ang musika ng orchestra.

10 Tama ba kami, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Finance Secretary Ralph Recto?

****

Mabuti na lang at siguradong tuloy ang panunungkulan ni House Speaker Ferdinand Martin G.Romualdez sa 20th Congress.

Sa tingin ng marami ay solido ang suporta ng mga miyembro ng House of Representatives sa liderato ni Speaker Romualdez.

At ang isa sa trusted lieutenants ni Speaker Romualdez ay itong si Ilocos Norte Rep. Zandro A. Marcos.

Talagang ipinapakita ng batang congressman na anak nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos na isa siyang mahusay na mambabatas.

Kahit bata ay sanay na si Congressman Marcos sa ins and outs sa Mababang Kapulunganng Kongreso.

Mahalaga ang papel ng mgakongresista para mapabilis ang pag-unlad ng bansa.

Mabilis pero masusing pinag-aaralan ng mga kongresista sa tinatawag legislative agenda ng administrasyon.

Pero hindi railroaded ang mga programa at proyekto ni Pangulong Marcos sa House of Representatives.

Dumadaan ito sa close scrutiny ng mga mambabatas bago pumasa.

Hindi ba, Speaker Romualdez at Congressman Marcos?