Compassionate leave bill isinulong

Mar Rodriguez Sep 8, 2023
125 Views

NANAWAGAN si House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V kay Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez para agad na pumasa at maisabatas ang House Bill No. 8822 na nagbibigay ng limang araw na leave para sa mga empleyado mula sa public at private sector.

Inakda ni Dy ang HB No. 8822 para mabigyan ng karagdagang limang araw na leave na tinawag nitong “compassionate leave” ang mga empleyado mula sa pribado at pampublikong sektor o kompanya upang magkaroon sila ng pagkakataon na asikasuhin ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ipinaliwanag ng Isabela solon na kinikilala ng panukalang batas ang kahalagahan ng malakas na “family ties” ng mga Pilipino. Kaya napakahalaga na mabigyan ng pagkakataon ang isang miyembro ng pamilya na harapin ang anomang pangangailangan ng kaniyang asawa at mga anak.

Sinabi ng kongersista na sa pamamagitan ng kaniyang panukalang batas. Hindi na aniya kakailanganin pang parusahan o patawan ng multa ang sinomang miyembro ng isang pamilya na hinarap ang problema o krisis sa kaniyang asawa o mga anak tulad ng pagkakasakit, aksidente at iba pang scenario.

Nabatid kay Dy na sa ilalim ng kaniyang House Bill No. 8822. Nakapaloob dito na ang limang araw na “compassionate leave” ng isang empleyado para asikasuhin ang pangangailangan ng kaniyang pamilya ay tulad ng pagkaksakit o pagkamatay ng isa sa miyembro ng kaniyang pamilya.

“Our employees should not have to be punished for attending to crucial family matters by being docked their pay for the day,” paliwanag ni Dy.

Dahil dito, nananawagan ang mambabatas kay Speaker Martin G. Romualdez upang agad na maipasa at maisabatas ang kaniyang panukalang batas na inaasahang magbibigay ng napakalaking tulong para sa mga empleyado.

“With this measure, we boost the morale of the employees and improve job satisfaction, productivity and overall wellness with ultimately benefits our organizations,” dagdag pa ni Dy.