Bagsak1

Concrete bucket sa crane lift bumagsak sa Sta Cruz, 1 bahagyang nasugatan

Edd Reyes Apr 1, 2026
381 Views

BagsakBagsak2Bagsak3Bagsak4GINULANTANG ng malakas na kalabog ang mga residente sa Sta Cruz nang bumagsak ang concrete bucket na nakakabit sa crane lift ng ginagawang gusali Huwebes ng hapon sa Sta Cruz, Manila.

Isa ang iniulat na nagtamo ng bahagyang sugat sa ulo habang napinsala naman ang isang nakaparadang mini-truck nang mabagsakan ng mga debris at mga yero ng ginagawang 56 na palapag na gusali ng Ongpin Tower sa Florentino Torres St.

Dahil sa nagkalat na mga debris, yero, at bakal, pansamantalang isinara sa daloy ng trapiko ang naturang lansangan upang maiwasan ang posibleng pang pinsala.

Naganap ang pagbagsak ng concrete bucket sa canopy ng naturang ginagawang gusali dakong alas-2:10 ng hapon na nagdulot din umano ng pagkaputol ng serbisyo ng dalawang Telcos matapos mabagsakan ng mga yero at bakal.

Nagresponde naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) at Philippine National Red Cross sa naturang lugar na silang gumamot sa bukol na tinamo ng isang indibiduwal.

Ayon sa mga residente sa lugar, laging maraming tao sa paligid ng naturang lansangan subalit dahil panahon ng Semana Santa, halos walang nakatambay at maging ng mga naglalakad sa lansangan.

Magsasagawa ng pagsisiyasat sa naturang insidente ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila, partikular ang Engineering Office.