Calendar
Patayan lalo na sa miyembro ng media mahihinto ng death penalty — mambabatas
ANG pagpapabalik sa parusang kamatayan o “death penalty” ang nakikitang mabisang solusyon ng isang Metro Manila congressman upang mahinto ang walang pakundangang pagpatay sa mga inosenteng mamamayan at sa mga miyembro ng media tulad ng pinaslang na radio commentator na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Binigyang diin ni House Deputy Majority Leader at Manila 6th Dist. Cong. Bienvenido “Benny” M. Abante, Jr. na kung hindi kayang pigilan ng kulungan ang mga kriminal na sa loob nito sa pagpa-plano ng pagpatay laban sa isang indibiduwal. Maaaring ang “death penalty” ang tuluyang magpapahinto sa kanila sa gawaing ito.
“If a prison cell cannot stop a plotting and ordering the murder of another person. Then death the penalty may the only way to prevent the murder of innocent citizens and journalist like Percy Lapid,” sabi ni Abante.
Ang naging pahayag ni Abante ay kaugnay sa mga sumambulat na rebelasyon na ang nagplano ng pagpatay kay Percy Lapid ay nakakulong sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) na itinuro naman ng nahuling gunman sa pagpatay sa nasabing radio commentator.
Dahil dito, iginigiit pa Manila solon na napapanahon na upang ibalik ang death penalty sa bansa kasunod ng pagpatay kay Lapid at iba pang mga kaso ng pamamaslang na nangyari ngayong taon.
Nauna rito, isinulong ni Abante ang House Bill No. 4121 sa Kamara de Representantes para sa reimposition ng parusang kamatayan bilang isang capital punishment para sa mga krimen gaya ng murder, treason, drug trafficking at plunder.
Sinabi pa ni Abante na pinatutunayan lamang ng nangyari kay Lapid na kahit nakakulong na ang isang kriminal ay hindi parin ito napipigilang gumagawa ng krimen. Sa pamamagitan ng pagpa-plano at pagbabayad sa taong magsasagawa ng pagpatay.