Garin1

Cong. Garin aminado na mahihirapan si PBBM na makahanap ng susunod na kalihim ng DOH dahil sa maraming doktor ang takot manungkulan

Mar Rodriguez Nov 12, 2022
192 Views

Garin: Maraming doktor takaot manungkulan bilang DOH secretary

AMINADO ang isang kongresista na dating Kalihim ng Department of Health (DOH) na talagang mahihirapan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makahanap ng susunod na mamumuno sa Health Department dahil maraming doktor at medical professionals ang natatakot na manungkulan bilang Kalihim ng nasabing ahensiya.

Ipinaliwanag ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st Dist. Cong. Janette L. Garin, dating Health Secretary, na natatakot maupong Kalihim ng DOH ang mga tinaguriang “matitino” at propesyunal na doktor na mayroong malawak na karanasan sa pamamahala (managing).

Ayon kay Garin, natatakot ang ilang mga doktor na maluklok bilang Kalihim ng Health Department sapagkat ang siyensiya (science) ay mayroong dalawang mukha o aspeto. Kung saan, isa dito ang nagsusulong ng tamang siyensiya at ang nagtutulak naman ng natural na pamamaraan tulad sa usapin ng “reproductive health”.

Sinabi pa ni Garin na maraming usapin sa DOH ang masyadong maselan o sensitibo dahil sa magkakasalungat na opinyon ng ilang grupo sa loob ng ahensiya. Kaugnay sa ilang kontrobersiyal na isyu katulad sa usapin ng “reproductive health” pro-vaccine at anti-vaccine.

Dahil dito, binigyang diin ni Garin na bunsod ng magkakasalungat na opinyon hinggil sa mga kontrobersiyal na isyu. Ang naka-upong Kalihim ng DOH aniya ang naiipit sa nag-uumpugang grupo kaugnay sa kanilang magkakahiwalay na paninindigan o paniniwala.

“Ang nagyayari kasi dito ay naiipit ang Secretary of Health sa tinatawag na “infodemic” o yung katotohanan sa siyensiya na kapag binawasan mo ng kaunti parang totoo pero hindi naman. Ang resukta nito ay isang katutak na kaso, kaya kapag walang proper method kung saan yung gobyerno ay po-proteksiyunan an gating mga scientist an gating mga doctors. Mahirap maghanap ng qualified secretary para sa DOH,” sabi ni Garin.