Dy

Healthy o unhealthy rating sa mga pagkain iminungkahi

Mar Rodriguez Oct 28, 2022
484 Views

DAHIL sa naglipana at palasak na mga pagkaing tinaguriang “unhealthy” at nakakasama sa kalusugan ng publiko. Iminumungkahi ngayon ng isang Northern Luzon congressman na magkaroon ng “health star rating” sa lahat ng mga binibiling pagkain o “consumer food products”.

Upang tulungang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko laban sa mga pagkaing tinatawag na “unhealthy” na kasalukuyang naglipana sa iba’t-ibang pamilihan at super market. Isinuslong ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A Dy V ang House Bill No. 1139 sa Kamara de Representantes (Consumer Act of the Philippines).

Layunin ng panukala ni Dy na maging isang mandato ang paglalagay ng star rating sa lahat ng mga nabibiling consumer food products upang magkaroon ng opsiyon ang mga mamimili na makapamili at magkaroon ng comparison sa mga pagkaing healthy at unhealthy.

Ipinaliwanag ni Dy na magiging madali para sa mga consumers ang makapamili ng mga produktong makakabuti o makakasama sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng “nutrition rating” na ang ibig sabihin ay nakatitiyak silang healthy ang binibili nilang pagkain.

Sinabi pa ng mambabatas na ang paglalagay ng star rating sa mga nabibiling pagkain ay mayroong five star rate. Upang ito ang maging basehan o pamantayan ng publiko kung alin sa mga pagkaing pinagpipilian nila ang mayroong mataas na rating.

Binigyang diin pa ni Dy na ang star rating ay babatay din sa nutrition profile ng isang partikular na produkto. Kung mataas ang star rating ng isang produkto, nangangahulugan lamang aniya ito na “healthy” ang nasabing pagkain o hindi makakasama sa kalusugan.

“A package product is assigned a rating based on its nutrition profile thus allowing consumers to quickly check the nutrition value of the products. The healthy star rating is a front-of-pact labelling system that allows the consumers to compare the nutrition of similar goods quickly and easily,” paliwanag ni Dy.