Martin

Cong. Martin G. Romualdez naluklok bilang house speaker ng 19th congress matapos makakuha ng 284 na boto

Mar Rodriguez Jul 25, 2022
183 Views

SA pamamagitan ng 284 na boto mula sa mayorya ng mga kongresista, naluklok bilang bagong House Speaker si Leyte 1st Dist. Rep. Ferdinand “Martin” G. Romualdez sa unang araw ng pagbubukas ng session ng 19 th Congress kasabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Bago isinagawa ang botohan para sa susunod na House Speaker, tumayo si Presidential son at Ilocos Norte 1 st Dist. Rep. Sandro Marcos para segundahan o “mag-second the motion” sa nominasyon ni Romualdez bilang bagong lider ng Kamara de Representantes.

Naluklok naman bilang House Maority Leader si Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe samantalang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay naluklok bilang Senior Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan. Nakuha ni Romualdez ang mayorya ng mga boto mula sa mga kongresista, samantalang 22 mambabatas naman ang nag-abstain o hindi bumoto kay Romualdez. Kabilang dito sina Albay Rep. Edcel Lagman, mga kinatawan ng

Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party List, Gabriela Party List at Kabataan Party List.

Si Tarlac 1 st Dist. Rep. Jaime Cojuangco, apo ng yumanong businessman na si Eduardo “Danding” Cojuangco, naman ang nangasiwa ng “oath-taking”
ceremony para kay Romualdez bilang House Speaker.
Kasabay din nito, Si Reginald “Reggie” Velasco ang itinalagang House Secretary General at si Retired Police Major General Napoleon C. Taas naman ang itinalagang House Sergeant-at-Arms.

Sinabi naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na karapat-dapat lamang na maluklok si Romualdez bilang bagong House Speaker dahil sa hind matatawarang “achievements” nito bilang dating House Majority Leader sa ilalim ng 18 th Congress.