Marianito Augustin

Cong. Mikee Romero muling iginiit ang pagtatatag sa Department of Sports matapos ang mapait na kapalaran ng Gilas Pilipinas sa FIBA

178 Views

BUNSOD ng naging kalunos-lunos na standing ng ating ipinagmamalaking GILAS Pilipinas sa kasalukuyang 2023 FIBA World Cup na ginaganap pa man din dito sa ating sariling bansa. Muling itinutulak ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang pagtatatag sa Department of Sports.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 335 na inakda ni Romero na naglalayong maisa-ayos ang kinabukasan ng Philippine sports sa mga susunod pang international competition katulad ng FIBA World Cup.

Ang masaklap kasi dito, sa tuwing lalahok na lamang ang Pilipinas sa mga international competitions. Kundi pilak na medalya ay tanso ang nakukuha ng ating mga Athletes. Samantalang ang ibang mga bansa na kalahok ay halos mangawit na ang leeg ng kanilang mga Atleta sa dami ng kanilang gintong medalya.

Ang nakakalungkot kasi dito, napakahaba ang naging preparasyon at sumailalim sa puspusan at dibdibang training ang ating mga Pinoy Athletes. Subalit sa kahuli-hulihan ay pilak at tansong medalya lamang pala ang maiuuwi natin. Bibihira lamang ang mga nakakuha ng gintong medalya.

Anong nangyari? Kung tutuusin ay napakatagal na panahon na itong problema. Hindi lamang ngayon. Kaya marahil ay ito ang nagtulak kay Congressman Romero para tuluyan ng maisa-ayos ang sistema sa ating Philippine sports para naman makalasap na tayo ng totoong tagumpay.

Distressed OFW mula sa Saudi Arabia nailigtas ni OWWA Region 3 Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar

WALANG mapag-sidlan ng kaligayahan ang isang distressed Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Saudi Arabia dahil sa tulong at suportang ipinagkaloob sa kaniya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito na si Atty. Falconi “Ace” V. Millar.

Inilahad ng OFW na si Garry Buensuseco Bugay mula sa Saudi Arabia na hindi umano naging maayos ang kaniyang pagta-trabaho sa nasabing bansa sapagkat ang kaniyang naging amo ay masyadong malupit at hindi sumusunod sa itinatakda ng labor law ng Saudi Arabia o gumagawa ng mga paglabag sa batas.

Ayon kay Bugay, dahil sa mga paglabag na ginagawa ng kaniyang amo. Kaya nagbabayad ito ng penalty o danyos subalit sa kasamaang palad umano ay sa suweldo nila kinakaltas ang danyos na binayaran nito. Kung saan, 1K rial ang ibinabawas sa kanilang sahod kapalit ng binayaran niyang penalty.

Gayunman, nabatid pa kay Bugay na magreklamo man sila ay wala rin naman nangyayari sa kanilang sentimyento nagmi-mistulang tengang kawali lamang umano ang kanilang Arabong amo

Tiniyak naman ni Millar na babantayan at tututukan nito ang kaso ni Bugay matapos ang kaniyang pakikipag-usap kina Mayor Acuzar.