Cong. Mikee Romero

Cong. Mikee Romero pinarangalan bilang “Congressman of the Year”

Mar Rodriguez Jul 9, 2023
384 Views

Cong. Mikee Romeropacman party listPINARANGALAN si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., bilang “Congressman of the Year”. Batay narin sa mahusay na pamumuno ni Romero bilang kinatawan ng mga maralitang Pilipino sa pamamagitan ng mga panukalang batas na isinulong nito sa Kamara de Representantes.

Dahil dito, binigyang diin ni Romero, Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, na magiging inspirasyon nito ang nasabing award upang ipagpatuloy nito ang kaniyang advocacy at adhikain na tulungan ang mga maralitang Pilipino sa pamamagitan ng mga makabuluhang panukalang batas.

Sinabi ni Romero na inaalay din nito ang kaniyang award para sa lahat ng mga taong sumuporta at naka-agapay niya sa pagsusulong sa interes at kagalingan o welfare ng mamamayang Pilipino na nangangailangan ng tulong partikular na sa mga tinatawag na “poorest of the poor” na mga Pilipino.

Nauna rito, ibinida ni Romero ang mga nagibng accomplishments ng 1-PACMAN Party List Group sa nakalipas na session ng Kamara de Representantes sa ilalim ng 1st Regular Session sa pamamagitan ng mga panukalang batas naipasa nito na magiging malaking pakinabang para sa mga mahihirap.

Ayon sa kongresista, kabilang sa mga panukalang batas na inihan nito at naisabatas sa ilalim ng 1st Regular Session bago mag-Sine Die Adjournment ay ang pagbibigay ng 20% discount para sa mga kinukuhang requirements ng mha nag-a-apply ng trabaho tulad ng NBI at Police Clearance.

Sa pamamagitan aniya ng nasabing panukabang batas na pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa bago ang Sine-Die-Adjournment ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Malaki aniya ang maitutulong nito para sa mga indigent Filipinos na naghahanap ng trabaho at kumukuha ng mga requirements.

Ipinabatid pa ni Romero na sa pagbubukas ng 2nd Regular Session ng Kamara de Representantes, lalo pa nitong pagbubutihin ang pagsusulong ng mga panukalang batas na magbibigay ng malaking benepisyo para sa mga mahihirap lalo na sa mga Pilipinong walang trabaho at walang sapat na hanap buhay.