Valeriano2

Cong. Roland Valeriano, tinanghal na Outstanding Professional of the Year

Mar Rodriguez Dec 12, 2023
200 Views

Valeriano3ITINANGHAL bilang “Outstanding Professionals of the Year Award” si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano sa larangan ng pagiging isang licensed Customs Broker at pagiging mahusay na kongresista.

Dahil dito, pinasalamatan ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang mga taong nagtiwala sa kaniyang kakayahan bilang isang lisensiyadong Customs Broker kabilang na ang kaniyang constituents na nagpupugay naman sa kaniyang mga pagsisikap bilang mambabatas.

Sinabi ni Valeriano na ang mga ganitong uri ng pagkilala ang pinaghuhugutan niya ng inspirasyon para ipagpatuloy ang mga magaganda nitong gawain hindi lamang sa kaniyang propesyon bilang Customs Broker. Bagkos, sa pagiging kinatawan ng Manila 2nd District sa pamamagitan ng mga ibinibigay niyang tulong.

“May I give my sincere thanks for this recognition. Salamat din sa mga kasabayan, kasamahan sa industriya. Sa mga ganitong pagkilala at pagtitiwala tayo humuhugot ng inspirasyon. Sana ay mapagyaman natin ang industriya ng brokerage sa abot ng ating makakaya,” sabi ni Valeriano.

Kasabay nito, nagbigay naman ng kasiyahan si Valeriano sa kaniyang mga kababayan sa 2nd Dist. ng Manila sa pamamagitan ng pamimigay nito ng mga regalo para sa mga residente ng nasabing lugar partikular na para sa mga mahihirap na pamilya gaya ng ginagawa ng kongresista taon-taon.

Sinabi ng mambabatas na ibinaba din nila sa nasabing lugar ang tulong ng Manila City Hall sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna sa layuning maramdaman ng mga residente ang malasakit ang pagmamahal ng City government.

“Ibinaba din namin dito ang tulong ng City Hall. Imbis na kayo ang pumunta sa City Hall, imbis na kayo ang pumila duon. Sila na ngayon ang pumunta dito, dahil Pasko kami na ang mamimigay ng regalo sa inyo kaya kami naririto,” ayon kay Valeriano.

Ayon sa kongresista, nais nilang iparamdam sa mga mamamayan ng Maynila ang pagmamahal ng City government hindi lamang sa panahon ng Kapaskuhan. Bagkos sa lahat ng pagkakataon.