Rep. Rolando M. Valeriano

Cong. Valeriano: Mataas na rating nina PBBM, Speaker Romualdez indikasyon na mataas ang kumpiyansa sa kanila ng mga Pinoy

Mar Rodriguez Apr 9, 2024
139 Views

BINIGYANG DIIN ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na ang mataas na “trust at approval rating” nina President Bongbong R. Marcos, Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ay indikasyon na mataas din ang kumpiyansa ng mamamayang Pilipino sa kanila.

Ayon kay Valeriano, nakakatuwang isipin na ang mataas na trust at approval rating nina Pangulong Marcos, Jr. at Speaker Romualdez sa pinakahuling “Boses ng Bayan” National Survey na isinasagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay nagpapakita ng malaking tiwala ng mga Pilipino.

Dahil dito, sinabi ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na ipinapakita din ng nasabing survey na lubos ang pagtitiwala ng mamamayang Pilipino sa pamamalakad at polisiya ng kaslukuyang pamahalaan partikular na sa usapin ng inflation.

Ipinaliwanag ni Valeriano na karapat-dapat lamang o deserve ng mamamayang Pilipino na magkaroon ng isang huwarang leader ng bansa na tunay na maglilingkod sa kanila o magbibigay ng de-kalidad na serbisyo na nakikita nila sa katauhan nina Pangulong Marcos, Jr. at Speaker Romualdez.

Bunsod nito, ipinahayag ng Metro Manila solon ang kaniyang buong suporta para sa administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. at House Speaker Romualdez para mas lalo pang mapagbuti ang kasalukuyang kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga mahahalagang panukala sa Kongreso.

“Nakakaligaya sxa isip na mataas ang kimpiyansa ng ating mga kababayan sa ating gobyerno at sa mga opisyales. Sana ay manatili ang magnadang ginagawa ng ating mga leaders tulad nina President Bongbong Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez, our people deserve a trust worthy governance,” sabi ni Valeriano.

Nauna rito, sa isinagawang survey ng RPMD noong March 18 hanggang 23. Nakakuha sina Pangulong Marcos, Jr. at Speaker Romualdez ng 79% trust rating at 76% approval rating.