Velasco

Convax drive thru sa kongreso matagumpay, umabot sa 1K naturukan ng boosters

Mar Rodriguez Feb 14, 2022
447 Views

INIHAYAG ni House Speaker Lord Allan Velasco na naging matagumpay ang pagpapatuloy ng isinagawang pagpapa-bakuna ng booster sa pamamagitan ng programang CONGVAX drive thru sa Kamara de Representantes na mayroon ng 1,000 benepisyaryo.

Nabatid naman kay Medical and Dental Services (MDS) Director Dr. Jose Luis Bautista na naging matagumpay ang nasabing programa. Sapagkat sinamantala ng mga kuwalipikadong indibiduwal ang CONVAX program na pinasimulan ni Speaker Velasco.

Binigyang diin ni Bautista na malaki ang maitutulong nito para sa proteksiyon ng mamamayan. Hindi lamang ang mga kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreo kundi ng publiko mismo.

Sinabi nito na makakatulong din ang naturang programa para sa sinoman upang makaiwas sa malubhang sintomas ng COVID-19 partikular na ang mga kongresista na malimit humarap sa kanilang mga nasasakupan.

Tiniyak din ni Speaker Velasco na magpapatuloy ang “vaccination drive” sa Kongreso kahit sa panahon ng eleksiyon upang mapaunlakan ang mga nagnanais na magpabakuna.