Cordoba bagong COA chair

187 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Gamaliel Cordoba bilang chairperson ng Commission on Audit (COA).

Si Cordoba ay dating commissioner ng National Telecommunications Commission (NTC).

Kinumpirma ng Public Information Office ng Korte Suprema ang panunumpa sa tungkulin ni Cordoba kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.