Guzman Kinilala ni MPD Chief PBGen.Benigno Guzman ang suspek na natimbog ng mga operatiba ng MPD-WSS dahil sa anim na bilang na rape sa Tondo, Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

Costume maker, 56, arestado sa 6 na bilang ng gahasa sa Tondo

Jon-jon Reyes May 21, 2025
15 Views

TIMBOG ang isang 56-anyos na costumer maker sa ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong panggagahasa sa Tondo, Manila.

Kinilala ni MPD Director Police Brig.General Benigno Guzman ang suspek na si alyas Alex, may asawa, naninirahan sa Tondo.

Ayon sa ulat ni Police Major Henry Navarro, hepe ng WSS-MPD, bandang 12:15 ng tanghali nang bitbitin ang suspek sa Barangay 66,Tondo.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek matapos mag-isyu ng arrest warrant si Judge Gregorio Sampaga, ng Regional Trial Court Branch 78, ng Malolos, Bulacan.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nabatid ng pulisya na kabilang sa Most Wanted person (District level) ang suspek dahil sa kaso nitong anim na bilang ng rape.

Pinuri at pinasalamatan ni NCRPO Chief Police Major General Anthony A. Aberin ang mga operatiba ng MPD dahil sa kanilang matagumpay na tungkulin sa pagpapatupad ng batas.