SC

Court fees pwede na bayaran sa pamamagitan ng GCash, GrabPay

200 Views

INANUNSYO ng Korte Suprema na maaari ng magbayad ng court fees sa pamamagitan ng GCash at GrabPay.

Ayon sa Supreme Court idinagdag ang dalawa pang online payment channel sa kanilang Judiciary ePayment System (JePS) upang mas maging ligtas at madali ang pagbabayad sa korte.

Bukod sa GCash at GrabPay, sinabi ng SC na maaari ring magbayad ng court fees sa pamamagitan ng UnionBank online, FortunePay, InstaPay, at PesoNet.

Kapag nakabayad na, magpapadala ito ng electronic official receipt na maaaring i-download at i-print ng nagbayad.

Ang mga magbabayad ng legal fees ay maaaring pumunta sa https://epayment.judiciary.gov.ph/ para sa serbisyong ito.