Calendar
CPP-NPA-NDC opisyal arestado matapos 17 taon
NASAKOTE ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) noong Huwebes sa Quezon City matapos ang 17-taong pagtatago.
Wanted sa two counts of kidnapping with murder si Wigberto alyas Banjamin Mendoza at Alejandro Montalan.
Sangkot siya sa pagdukot at pagpatay kina PFC Erebeto Eclavea at Richard Cortizano noong 2007 sa Brgy. Cagsiay, Quezon province.
Natunton ng District Special Operations Unit (DSOU) at District Intelligence Division (DID) ng SPD, kasama ang Fairview Police Station, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si alyas Wigberto Villarico, 68, kalihim ng Southern Tagalog Regional Committee (STRPC) at miyembro ng Political Bureau (POLITBURO) ng CPP-NPA-NDF sa Blk 3 Lot 4, Hillman St. Fairview Park Subdivision dakong alas-5:45 ng umaga.
Sinabi ni SPD Director P/BGen. Bernard Yang na inaresto rin si Maryjoy Lizada, 35, matapos tangkaing harangin ang mga operatiba sa pagdakip sa akusado at itago pa ang katauhan ni Villarico.
Dinakip si Wigberto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Mauban, Quezon Regional Trial Court (RTC) Judge Rodolfo Obnamia, Jr. ng Branch 64.
Sasampahan din ng kasong Obstruction of Justice si alyas Marjory sa Quezon City Prosecutor’s Office bunga ng pagharang sa mga operatiba para hindi madakip ang akusado.