Crisologo

Crisologo nagpasalamat kay BBM

Mar Rodriguez May 26, 2022
271 Views

CrisologocrisologoBAGAMA’T hindi pinalad na manalo ang isang Metro Manila solon sa Distritong tinakbuhan nito para sana sa pangalawang termino bilang kongresista nagawa pa rin niyang pasalamatan si President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa suportang ibinigay nito para sa kaniya noong nakalipas na eleksiyon.

Sa proclamation nina Marcos at Vice-President-Elect Inday Sara Duterte sa Kamara de Representantes noong nakaraang araw matapos ang isinagawang dalawang araw na “marathon Congressional canvassing” para bilangin ang boto ng dalawang nanalong kandidato nilapitan ni Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo ang kaniyang kababayan na si Marcos (Ilocano) para magpaabot ng kaniyang taos pusong pasasalamat.

Sinabi ni Crisologo na isang malaking karangalan na ang susunod na Pangulo ng bansa ay isa na namang Ilocano. Kasunod nito ang pagpapahayag niya ng kagalakan na masaksihan ang isingawang proklamasyon para kina Marcos at Duterte.

“To my President (Bongbong Marcos), it is my honor to witness this very important event of your life. Hindi man tayo pinalad na makapagsilbi sa ating Distrito, I am still grateful dahil nanalo ang Presidente ko. I am with you in every step of the way. Thank you for the short but heartfelt and meaningful conversation that we had which I will treasure dearly, it is my pleasure to support you Sir,” mensahe ni Crisologo kay President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.