Crisologo

Crisologo nagpasalamat sa mga sumuporta

Mar Rodriguez May 10, 2022
293 Views

SA kabila ng kaniyang pagkabigo na makuha ang pangalawang termino bilang kinatawan ng 1st District ng Quezon City. Hindi nagpatinag sa pighati si QC Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo matapos nitong taos pusong pasalamatan ang lahat ng taong tumulong at nagsilbi sa kaniya bilang kongresista.

Sa pamamagitan ng isang mensahe na ipinadala ni Crisologo sa lahat ng kaniyang mga supporters, kaibigan, staff at mga taong nagtiwala sa kaniya bilang mahusay na pinuno ng 1st Distrtict ng QC na nasimula sa pagiging Konsehal.

Sinabi ni Crisologo na nais nitong samantalahin ang pagkakataon para pasalamatan ang lahat ng mga taga-Distrito Uno na naging bahagi ng kaniyang serbisyo-publiko. Bilang Konsehal hanggang sa siya’y maluklok bilang kongresista.

Ipinaliwanag ng QC solon na hindi aniya matatawaran ang kaniyang serbisyo sa publiko partikular na sa kaniyang distrito sa loob ng labindalawang taon.

Kabilang na dito ang pagpapatayo ng maraming gusali, basketball gym at libreng pagpapagamot at pagpapa-ospital sa mga mayroong iba’t-ibang karamdaman.

“Let me take this opportunity to thank all of you for being part of my public service career for 12 straight years. Starting when I was a young 28 years old to a now more experienced 40 year old,” sabi ng mambabatas sa kaniyang mensahe.

Nanghihinayang naman ang ilang supporters, mga residente at mamamayan ng Distrito Uno sa pagkabigo ni Crisologo nitong nagdaang halalan dahil sa mga magagandang proyektong nasimulan nito bilang kinatawan.

Sapagkat nasimulan na anila ng mambabatas ang mga magagandang proyekto para sa 1st District. Katulad ng pagpapatayo ng mga basketball gym na hindi nalalayo sa basketball gym sa Amerika na pinaglalaruan ng mga players ng National Basketball Association (NBA).

Nagpahayag naman ng pagdududa ang ilang residente na nakapanayam ng People’s Taliba na kayang tapatan ng Artistang si Arjo Atayde ang track record ni Crisologo sa larangan ng serbisyo publiko dahil wala naman umanong karanasan ang aktor sa pagsisilbi at paglilingkod.

“Maraming Artista ang wala naman nalalaman sa public service. Pustahan tayo, wala naman gagawin iyan si Arjo Atayde sa Kongreso. Mahihirapan silang pantayan at madaig ang serbisyong ibinigay ng mga Crisologo dito sa Distrito Uno,” anang isang residente na nakapanayam ng People’s Taliba.