Dominic

Cristy kinasuhan ni. Dominic ng cyber libel

Vinia Vivar May 31, 2024
36 Views

Nagsampa ng cyber libel case si Dominic Roque laban sa veteran writer/online show host na si Cristy Fermin.

Ayon sa Instagram post ng GMA reporter na si Nelson Canlas, dumulog ngayong araw (May 31) si Dominic sa Pasig City Prosecutor’s Office para maghain ng kaso laban kay ‘Nay Cristy.

Kalakip nito ang larawan ng aktor na nanunumpa sa kanyang salaysay.

“Nagsampa ng cyber libel case ang aktor na si Dominic Roque laban kay Cristy Fermin sa Office of the City Prosecutor ng Pasig City.

“Ang ilang malicious statements and innuendos na sinabi ni Fermin sa kanyang Youtube channel na ‘Showbiz Now Na’ ang naging basehan ng aktor para magsampa ng kaso,” saad ni Nelson sa caption.

As we write ay wala pang inilalabas na buong detalye tungkol sa kasong isinampa ni Dominic laban sa batikang manunulat.

Wala pa ring reaksyon si ‘Nay Cristy hinggil dito habang isinusulat namin ito.

Matatandaan na noong nakaraang May 2 ay nagsampa rin ng parehong kaso ang ex-fiancee ni Dominic na si Bea Alonzo laban kina ‘Nay Cristy at Ogie Diaz sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nakasaad sa complaint affidavit ni Bea na biktima siya ng mali, malisyoso at mapanirang impormasyon mula sa isang taong nagpanggap na malapit sa kanya na inilabas umano nina Ogie at ‘Nay Cristy sa kani-kanilang online shows.