Calendar
Cu nagpasiklab sa GM Torre youth chessfest
TULAD ng inaasahan, walang nakapigil kay NM Ivan Travis Cu ng Xavier School.
Si Cu, na itinuturing na isa sa mga talentadong batang chess players ng bansa, ay namayani sa boys 18-under division ng first GM Eugene Torre Cup Youth chess tournament ns itinaguyod ng Knights of Columbus -Ang Bagong Bayani Assembly sa Robinsons Galleria kamakailan
Ang 14-year-old na si Cu, na inaasahang susunod sa mga yapak ni super GM Wesley So, ay nagtala ng anim na puntos sa pitong laro sa boys 18-under class.
Matapos bigyang karangalan ang bansa sa 47th Selangor Open Chess Championship Open in Kuala Lumpur, Malaysia nung Mayo, umiskor naman ngayon ng limang panalo at dalawang tabla sa seven-round Swiss system tournament si Cu.
Binigo ng batang pambato ng Go-for-Gold and Philippine Amusement at Gaming Corporation (PAGCOR) ang dating solo leader na si Karlycris Clarito sa seventh at final round upang masungkitt ang kampeonato.
Lamang ng kalahating puntos si Cu laban kina Jeremy Marticio, Cedric Kahlel Abris at Clarito at isang puntos kaytop seed Angele Tenshi Biete atvtaong iba pang ayers.
Nanalo ang San Juan City-based na si Cu kina Jeul Mithur Cubita sa first round, Luiz Roland Antonio sa fourth round, Luis Gabriel Gutierrez sa fifth round, Biete sa the sixth round at Clarito.
Tumabla naman si Cu, na nagpakitang gilas din matapos hablutin ang individual bronze medal sa 2022 Asian Youth chess championship sa Bali, Indonesia nung Oct.13-22, kina Abris at Marticio sa second at third rounds, ayon sa pagkasunod.
Gayundin, ang kapatid Cu na si Jericho Winston Cu ay tumaposa sa 10th sa boys 15-under category Si Jericho ay may limang puntos sa limang panalo at dalawang tal9.
Dahil dito, umaasa si Jericho na makakakuha ng kanyang unangl FIDE rapid rating
Tinukoy ni Teddy Cu, ama ng magkapatid, ang kanilang hard work at determination pagi na guidance ng mga batikang coaches na sina IM Jan Emmanuel Garcia at Xavier School coach IA Rolly Yutuc sa magandang laro ng kanyang mga anak.
“Ivan is really focused on achieving his goal. Even he is only 14 years old, he competed in the 18-under category and won,” wika ni Cu, na napasalamat sa Go-for-Gold PH, PAGCOR, Xavier School at San Juan City Congresswoman Atty. Bel Zamora sa kanilang tulong.
“After the GM Torre Youth Cup, Ivan will bring his talents to the Palarong Pambansa scheduled on July 29-Aug 5 and two to three more international tournaments this year,” dagdag pa niya.
“We wish to congratulate and thank the Knights of Columbus, Robinsons Malls Galleria ,and the National Chess Federation of the Philippines for the hosting of this successful tournament. We also wish to thank NCFP CEO and tournament director/GM Jayson Gonzales, chief arbiter IA Reden Cruz, and the team of arbiters and staff who ensured the smooth conduct of the games. We look forward to more youth oriented events in the future,” paliwanag pa niya.