Calendar
Cyclone Querubin, Romina maaaring pumasok sa PAR
MAY isa o dalawa pang tropical cyclone ang inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring mabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bago matapos ang taon.
Ang mga susunod na tropical cyclone sa listahan ng Pagasa ay pinangalanang Querubin at Romina.
Sa isang climate forum nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Pagasa Weather Specialist Joanne Mae Adelino ang limang karaniwang tropical cyclone tracks sa loob ng PAR sa Disyembre.
Binigyang-diin niya na ang mga bagyo sa huling quarter ng taon ay may posibilidad na mag-landfall, at manalasa sa ilang mga lugar sa bansa.
“Based on PAGASA’s tropical cyclone threat potential forecast for Nov. 20 to Dec. 3, the formation of a tropical cyclone is “unlikely” in Week 1 but “likely” in Week 2, due to a “low to moderate” probability of a tropical cyclone-like vortex or circulation forming into a tropical cyclone,” paliwanag pa ng weather specialist.
Sa rekord ng PAGASA umabot na sa 16 na bagyo ang nanalasa sa bansa simula Enero.