Waste

DA babawasan pagkadepende sa mahal na chemcial fertilizer

Cory Martinez Aug 15, 2024
101 Views

Magtatayo ng composting facility

MAGTATAYO ng composting facility ang Department of Agriculture (DA) para sa biodegradable wastes upang palakasin ang kalusugan ng lupa at bawasan ang pagkadepende sa mamahaling chemical fertilizer.

Ang proyekto na popondohan sa mga pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng DA, ay pangungunahan ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa pakikipagkolaborasyon sa mga DA Regional Field Offices.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., inaaasahang mareresolba ng naturang proyekto ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga magsasaka na nahihirapan na dahil sa mataas na presyo ng chemical fertilizers.

“By converting biodegradable wastes into compost, such a facility will promote the use of organic fertilizers, which we expect will enhance soil fertility, reduce groundwater pollution, and lower production costs,” ani Tiu Laurel.

Batid na ang compost application ang siyang nagpapadagdag ng soil organic matter, nagpapalakas ng microbial activity, mapagbutui ang water retention, at mapaganda ang kabuuang kalidad ng lupa at crop productivity.

“This approach not only supports sustainable farming practices but also reduces the need for synthetic fertilizers and pesticides, leading to significant cost savings and increased returns on investment for farmers,” dagdag pa ni Tiu Laurel.

Upang matiyak ang epektibong pagpapatupad at koordinasyon, naglabas ang DA ng Harmonized Guidelines para sa pagpapatayo ng CFBW. Nakadisenyo ang mga alituntunin na ito upang maging standard ang mga polisiya at i-optimize ang pampublikong pamumuhunan at ang maayos na pagtupad sa mga proyekto.

Nakasunod ang naturang hakbang sa Republic Act No. 10068, or the Organic Agriculture Act of 2010 na sumusuporta sa pagpapatayo ng mga pasilidad sa pag-produce ng organic fertilizers at soil amendments pati na rin ang pagpapalawig ng sustainable agricultural practices at environmental protection.

Isang mahalagang hakbang ang pagpapatayo ng naturang pasilidad sa pagpapabuti agricultural sustainability at economic viability para sa mga magsasaka.

Nauna nang naglunsad ang DA ng isang proyekto na tinatawag na National Organic Agriculture Program, na naglalayon na ipromote ang sustainable farming. Ito ay bahagi ng mas malawak na National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization Plan sa pagitan ng taong 2021 at 2030.

Layunin ng 10-year program na ito na mapaganda ang kita ay employment opportunity ng mga smallholder farmers at mangingisda sa pamamagitan ng  commodity system-based planning.

Samantala, inaasahan naman na mapalawig ang community development at sustainable agricultural practices.

Itong state-of-the-art facility na ito mayroong isang rotary composter at biomass shredder, na parehong maximum capacity na isang tonelada kada karga.

Susuportahan ng pasilidad ang mabisang pagproseso ng biodegradable waste para maging compost fertilizer, mapaganda ang waste management at promosyon ng organic farming.

Tutugunan ng mga alituntunin sa implementasyon ng CFBW ang mga pangunahing area tulad mg pagtukoy sa mga nararapat na recipient, procurement, project execution, at monitoring.

Ang TDA-RFO Field Operations Division, Regional Agricultural Engineering Division, at BSWM’s Soil and Water Access Team ang mamamahals sa evaluation at distribution process.

Kabilang sa mga eligible recipients ay ang mga government-registered Civil Society Organization na may adbokasiya ng organic farming.