Speaker Romualdez

DA inatasan ni Speaker Romualdez: Kumpiskahin mga bigas na

150 Views
INATASAN na ni House Speaker Martin Romualdez ang Department of Agriculture na kumpiskahin na ang mahigit sa 20 milyong kilo ng bigas na nakatengga lang sa Pier.
“Sabi ng DA, bayad na ang mga duties and taxes ng mga bigas na ito pero bakit di pa inilalabas ng mga may-ari?” ayon kay Speaker Romualdez at nagbabala na, “pag hindi nila ilabas yan at dalhin sa merkado, pwede na sigurong kumpiskahin ng gobyerno dahil sa hoarding.”
Nauna rito, ibinulgar ni DA Sec. Francisco Laurel noong nakaraang linggo na milyun-milyong kilo ng bigas ang nasa Pier at nakatengga lang doon.
Ayon kay Laurel, pag nadala sa mga palengke ang mga bigas tiyak na bababa na ang presyo ng bigas sa mga palengke.
“Kung inaantay ng mga importer natin na tumaas muna ang presyo ng bigas bago nila ilabas yan, aba’y mabuti pang kumpiskahin na ng pamahalaan at ibenta sa mga mahihirap,” pahayag pa ng lider ng House.
Aniya, ” wag na nilang antayin na pasyalan na naman natin ang Pier at pagbubuksan sa Bureau of Customs ang mga bigas na yan.”