Calendar

DA ipagpapaliban MSRP sa imported rice
PLANONG ipagpaliban ng Department of Agriculture (DA) ang pagbawas sa maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas sa Hulyo dahil sa digmaan sa Middle East.
Plano ng DA ibaba ang MSRP sa 5 percent ang presyo ng broken imported na bigas mula sa P45 at sa P43 kada kilo simula sa Hulyo 1.
“Yung sa rice na MSRP nga natin na ibababa ko sana by July 1 ng P43, mukhang iho-hold ko muna in abeyance, no? Because of the situation, magulo eh di ba? We don’t want to have any market shock.
So, most likely, by next week, magde-decide na tayo whether itutuloy o hindi. But the chances are, iho-hold ko muna ng one month or two months. Tingnan muna natin ang sitwasyon,” sabi ni ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.
Tinukoy ni Tiu Laurel ang tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran. Ang mga byproducts ng oil—na mahalagang sangkap sa pagproduce ng ammonia–mahalagang sangkap sa paggawa ng nitrogen-based fertilizers.
Maaaring magdulot ng mataas na halaga sa transportation costs para sa fertilizers at iba pang agricultural inputs ang pagtaas ng presyo ng langis.
Sinabi ni Tiu Laurel na pinag-aaralan din ng DA na mag-introduce ng MSRP para sa imported pork sa Agosto pero ang pinal na presyo ay dedeterminahin pa bago magpatupad ng roll out.
“The market is extremely fluid. Any forecast I make now might not be accurate even an hour later,” dagdag ni Tiu Laurel.