Calendar
DA: Malaki tyansa na maapruban pagdelara ng emergency sa bigas
MAY solid data na hawak ang Department of Agriculture para magdeklara ng Food Security Emergency on Rice.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na malaki ang tsansa na maaprubahan ng National Price Coordinating Council na maaprubahan ang rekomendasyon na magdeklara ng emergency sa bigas.
Paliwanag ni Tiu Laurel, patuloy kasing tumataas ang presyo ng bigas kung kaya mahalaga na mailabas na sa mga warehouse ng National Food Authority ang may 300,000 toneladang bigas.
Sa ilalim kasi ng Rice Tariffication Law, hindi maaring mailabas ang bigas sa mga bodega ng warehouse hanggat walang kalamidad sa bansa.
Sinabi ni Tiu Laurel na sa kabila ng mga ipinatupad na hakbang kabilang ang pagbababa sa 15% mula sa 35% ng taripa sa imported na bigas, hindi pa rin bumaba at nanatili sa P60 hanggang P64 ang presyo ng kada kilo ng branded rice sa merkado.
Hinihintay na lamang ngayon ni Laurel ang pomral na rekomendasyon ng NPCC bago konsultahin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Laurel, nasa P3 hanggang P5 ang ibababa sa presyo ng bigas oras na maaprubahan ang rekomendasyon ng NPCC.
Sinabi naman ni Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque na nakahanda na ang kanilang hanay na bantayan ang mga mapagsamantalang negosyante.
Ayon kay Roque, P5,000 hanggang P1 milyong multa ang ipapataw sa mga negosyante na hindi susunod sa itinakdang presyo ng bigas.