Navotas Rep. Toby Tiangco Navotas Rep. Toby Tiangco

DA pinuri ni Rep. Tiangco sa P40/kilo na bigas

Edd Reyes Dec 14, 2024
145 Views

PINURI ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapalawak ng Rice for All program na susi sa pagbaba ng presyo ng bigas lalo na ngayong magpapasko._

“Sakto sa Kapaskuhan ang pagpapalawak ng implementation ng Rice for All Program. Mabibili na sa mas marami pang public markets, pati sa train stations, ang P40 kada kilo na bigas kaya maiibsan nito ang mga gastusin ng ating mga kababayan,” pahayag ni Tiangco.

Sinabi pa ng kongresista na ang programa ay kasama sa pangako ng administrasyon na labanan ang inflation at mapababa ang halaga ng mga pangunahing bilihin.

“The President’s marching orders have always been clear–we must take every step possible to keep prices down and help Filipinos deal with inflation. Itong mga karagdagang areas na mag-ooffer ng murang bigas patunay na seryoso si President Bongbong sa pagtupad sa kanyang commitment sa ating mga kababayan,” paliwanag pa niya.

“I’m confident this program will continue to expand, given the President’s clear directive to explore all avenues to lower the prices of food staples. Kahit papaano, mas masaya ang Pasko kung mas magaan sa bulsa ang mga bilihin tulad ng bigas,” dagdag pa ni Tiangco.

Mabibili ngayon ang P40 per kilo na bigas sa mga palengke ng Maypajo sa Caloocan, Murphy Market at Cloverleaf Balintawak Market sa Quezon City, La Huerta Market sa Parañaque City at Trabajo Market sa Sampaloc, Manila.

Naglagay din ang Rice for All program ng bilihan sa LRT Recto Station at MRT stations sa Ayala, North Avenue at Cubao.

“We commend the Department of Agriculture, led by Secretary Tiu, for their relentless efforts to bring down the prices of basic food commodities across the country,” pahayag ni Tiangco.