Laurel

DA tutugunan hamon sa agrikultura, magbubuo ng consultative councils

Cory Martinez Nov 22, 2024
37 Views

MAGTATATAG ang Department of Agriculture (DA) ng mga consultative councils upang magkaroon ng mas inklusibo at epektibong pamamaraan sa
agricultural policy-making at tugunin ang iba’t-ibang hamon gaya ng climate change at resource degradation.

Sa naganap na membership meeting ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI), sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na magkakasama-sama ang mga kinatawan ng DA, pribadong sektor, magsasaka at iba pang key stakeholder upang magkatuwang na bumuo ng mga polisiya at estratehiya na tutugon sa mga problemang kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

Ayon kay Tiu Laurel, ang pagbuo ng mga council bahagi ng malawakang vision ng DA para sa mas malakas na partnership at mapaigting ang partisipasyon ng mga stakeholder sa decision-making.

Sa pamamagitan ng pagsali ng mga magsasaka, mangingisda, industry leader at lokal na pamahalaan sa policy-making process, layunin ng DA na makapagtatag ng mas epektibong solusyon na tutugon sa mga pangangailangan ng mga nasa ibaba.

Tutulong din ang mga konseho sa pag-streamline ng consultative planning process, habang titiyakin na maisasama sa decision-making ang mga feedback ng lahat ng sektor.

Sa pamamagitan nito, makakabuo ang DA ng science-based at responsive policies na makakaresolba sa patuloy na pangangailangan ng agrikultura at pangingisda.

Sinabi pa ng kalihim na ang pagtatag ng mga konseho krusyal na bahagi ng apat na taong plano ng DA na naglalayon na gawing makabago ang agrikultura, dagdagan ang produksiyon at paunlarin ang food accessibility.

Naniniwala si Tiu Laurel na malalampasan ng sektor ng agrikultura ang mga kinakaharap na hamon sa pamamagitan ng suporta ng mga naturang konseho.

Dahil dito, matitiyak na magkakaroon na ng pagkakataon ang lahat ng mga Pilipino na maka-access sa ligtas at abot-kayang pagkain.

“Agriculture remains a cornerstone of the Philippine economy, but the sector faces significant challenges, such as climate change, resource degradation, and socio-economic pressures.

Food security continues to be an urgent concern, both globally and locally,” dagdag ni Tiu Laurel.